DepEd - Schools Division of Zamboanga del Norte logo
Home › Media › Division News › ZN, pangalawa sa Regional NDR Month Essay Writing Contest

ZN, pangalawa sa Regional NDR Month Essay Writing Contest
August 30, 2017| by: Nelia S. Lim

ZN, pangalawa sa Regional NDR Month Essay Writing Contest

Nasungkit ni Janssen P. Elopre, kalahok ng Zamboanga del Norte Division ang pangalawang puwesto sa ginanap na Panrehiyong National Disaster Resilience (NDR)Month Essay-writing Contest sa Lungsod ng Pagadian noong Hulyo 5, 2017 na may temang “4Ks Kamalayan sa Kahandaan, Katumbas ay Kaligtasan”. 
Si Elopre ay kasalukuyang mag-aaral sa Grade 9-Helium ng Sergio Osmena National High School. Naging kampeon muna siya sa ginanap na paligsahan sa Congressional District level noong Hunyo 27, 2017 at dibisyon lebel noong Hunyo 28, 2017, bago naging kinatawan ng dibisyon sa panrehiyong tagisan. 
Nakuha ng kalahok ng Zamboanga del Sur ang unang puwesto, habang pumapangatlo ang kalahok ng Dipolog City. 
“Mahirap ngunit masaya sa pakiramdam ang paligsahang ito dahil naibahagi namin ang aming mga ideya para sa kahandaan sa pagdating ng mga kalamidad”, wika ni Janssen P. Elopre. 
Ipinahayag din ni Kots G. Ritche T. Dagumo na naging kapana-panabik ang nasabing paligsahan dahil dikit ang laban ng bawat kalahok. 

Tags: Essay Writing Contest   NDR Month   
Share